Adobong Pusit

Ang paborito kong ulam ay Adobong Pusit isang lutuin na sumasalamin sa kahalagahan ng tradisyonal na pagkain ng kulturang Pilipino. Sariwa dapat ang piliin kapag ito ay nais ninyong lutuin. Ito ay niluluto sa pamamagitan ng suka, toyo, bawang, at iba pang mga pampalasa. Kapag niluluto ito, ang aroma ng sarsa at pusit ay nakakaganyak at nagdudulot ng pagkaing mas nakakabusog. Ang pusit na malambot sa sarsang maasim at maanghang ay nagbibigay sa akin ng kakaibang lasa na kahit sinong makakakain ay mabubusog. A ng kulay nitong itim ay nagpapahayag ng yaman ng lasa at kultura ng pagkain sa Pilipinas. Sa tuwing ihahain ito, ito ay laging nauubos, nagdadala ng ligaya at kabusugan sa amin. Ito ay paborito kong ulam na hindi mawawala sa mga handaan at simpleng kainan ng maraming Pilipino.